Since sumemplang yung Powerline Ethernet Bridge ko last year, pahirapan na ang pagsagap ng wifi dito sa 2nd floor. Since Linksys ang main wifi router ko sa baba, napabili ako ng linksys range extender na OA sa mahal. Ayun, coverage fail. Hindi pa stable. Tapos after 3 months nasira. Ewan ko lang kung bakit. Kung pinakealaman ng mga inday dito sa bahay habang wala kami, ewan ko na. Sumubok din ako ng D-link range extender na plug in lang sa outlet. Fail pa rin at medyo effort ang pag set-up.
Habang naglalakad sa Harrison Plaza kanina, nakita ko sa Silicon Valley itong TP-LINK Range Extender. 300 Mbps at 2.4ghz. Sa presyong 2,000 pesosesoses, kaya naman ng dibdib kong magwaldas ng pera para sa isa nanamang extender one more time. Medyo tanga pa tong staff na mga lalake. Sabi ko gusto kong tignan yung TP Link range extender. Sumagot yung isa na wala daw sila ganun. Eh putek nasa display nga. TANGA! Heniwey... Madali naman siyang i-set up. Either by pairing it with your existing Wifi Router using the buttons at the back or via web client. I did the web client method because I felt too lazy to go down and do the pairing.
Anyway, it works fine. The thing with wireless extenders is that it cuts the subscribed internet speed to half. Suppose you have a 1mbps subscription, kapag connected ka sa extender lang siguro speed mo magiging 512 kbps na lang. But that's still ok as long as the connection is consistent naman. And I think this is a better product compared to the extenders that I bought previously. Kasi I'm watching My Husband's Lover online and I'm on the 4th episode na, hindi pa rin pumapaltos!
LOL.
uy teh, how to watch my husband's lover online? haha
ReplyDeletehanapin mo sa youtube o kaya nasa channelflipino.net =)
Delete