Wednesday, June 19, 2013

Tameme.

Inimbita ako ni Norman  pumunta sa Ortigas sabado nang gabi dahil alam niyang kailangan kong gumala.  Itong mga nakaraang mga araw, ewan ko ba,  basta na lang bumigay puso ko.   Akala ko matibay ako.  Akala ko kaya ko.  Kaya lang mitya-mitya, naiisip ko nanaman siya.  Pucha kasi itong puso ko.  Naging bato na yan eh.  Kung bakit nabuhay pa.  Sana naging puso ng saging na lang ito.  Kung mainis, ihahalo na lang sa kare-kare.  Solb ang problema.  CHOS!  Si Norman?  Di ko naman siya matalik na kaibigan.  Sa totoo lang, di niya ako gaano kilala.  Ilang beses pa lang kami nagkikita.  Ang alam ko, trip niya ako.  Pero bilang isang kapwang edukadong tao, nirerespeto naman niya ako. 

Isinusumpa ko ang club na yan.  Mahilig din kasi ako sumayaw.  Mahilig din ako uminom.  Pero putek, sa laging sikip ng lugar na yon sa nagsisiksikang beckies, hindi ka makakasayaw at mahirap bumalik-panaog sa bar. Doon din sa club una akong hinalikan ni T.

"Don't worry," sabi ni Norman.  "Doon tayo sa VIP section kasi birthday ng kaibigan ko.  Hindi magulo doon."

Nakita ako ni JC sa loob.  Nagulat siyang pumunta ako sa club.

"Bakla, anong ginagawa mo dito! Di ba sumpa levels mo na ang impyernong ito?"

"May nagimbita lang sa akin.  Trying to enjoy the weekend."

Nakasayaw. Nakainiom. Nakanood ng drag show. Natanaw kong may artistang babae sa baba ng VIP section.  May nagpatagay ng Tequilla.  Umikot ang mundo. Gumaan ang pakiramdam. Pansamantalang naging masaya.  Yun naman ang importante. 

Di ko na alam ang mga sumunod pang mga pangyayari.  Di ko na rin masyado tanda ang mga lalakeng naka-usap ko.  Ang alam ko lang, masaya ako sa mga oras na yun.  Pasado alas-2 ng umaga nag text si JC at kinakamusta ako.  Di yata maayos ang pagkasagot ko kaya ina-assume na niyang lasing ako.  Sabi niya sa akin puntahan ko SILA sa katabing kainan.  Di ko na pinuna kung bakit PLURAL pero go lang naman ako.  Pagdating ko doon, nakita ko si JC... At si T.   At ang lalakeng kinabaliwan ni gago.  Ewan ko ba.  Siguro masyado lang ako masaya that moment kaya di ko pinansin yung tinik sa biglang tumusok sa puso ko (echos lang!).  Kinausap ko sandali si JC.  Nag-hello  ako kay T.  Tumingin naman ako sa harap at nakangiti sa akin ang lalakeng nasa tapat ko.  Ang boyfriend ni T.  Sa totoo lang, hindi ko na matandaan ang itsura niya.  Alam ko lang nakangiti siya sa akin na parang naaliw sa pagkalasing ko.






Impakta.


Nag-decide akong bumalik agad sa club at mula sa puntong yun, sa gitna ng ingay,  tawanan, landian, yakapan, kapaan ng pwet at daldalan, natameme na ako.  Para bang tumigil na ang lahat.

O di ba ang drama lang?  Pero shet, alam mo yun kapag may alcohol ang sistema mo mas nagiging sensitive ka.  Mas napapaisip ako sa nanyayari sa akin.  Mas nalulungkot ako.  Pero dahil mabagal naman ang takbo ng lahat, nakakayanan ko naman habulin.  At doon nasasabi ko sa sarili ko na ako ang tunay na sawi.  Shet lang ang sakit.

Ang sakit magpakawala sa taong minamahal mo kahit na yun ang dapat mong gawin. 

1 comment:

  1. Thanks for sharing your story. Hindi lang pala ako ang sawi these days. hahah, joke lang teh.

    it takes time talaga to move on eh...

    ReplyDelete