Nakilala ko si Caloy less than a year mula nang maghiwalay kami ni Ed.
Ok siya. Taga cavite (a few minutes of tambling away from the fabulous
Alabang!), may trabaho, ka-edad ko (pareho kaming 25. ECHOS!), pogi,
straight acting, may kotche at ma-pera. Sugar Daddy levelssss!! Chot
lang. Ok na sana lahat. Ang problema kasi ako mismo. Ang arte-arte
ko. May nalalaman pa akong panatang wag muna magkaka-jowa sa loob ng
isang taon. Nag-date kami dati ilang beses. Nanood pa kami ng play na
Care Divas. Ang romantic, right? Alam ko gusto niya ako. Hindi lang
siya expressive. Pwera na lang sa tuwing gusto niya makipag halikan at
makipag karerahan patungong langit. Ang sarap niyang humalik pramis.
Pero bigla na lang nawala. Alam mo yun? Single ka, wala ka naman
ka-commitment. Kung sinu-sino nakikilala mo. Nakakalimutan mo yung mga
nauna mong nakilala. Hindi ko yun sinasadya pero yun ang nanyayari.
Naging "busy" lang. Di ko rin masisisi sarili ko kasi sabik ako
makakilala ng mga bagong kaibigan that time.
Sayang lang.
Sana hindi na ako umarte kay Caloy.
Makalipas ang halos isang taon, ayan may boyfriend na si Caloy. Habang
ako naman, heto, nag-iisa. Sabi ko dati mas manageable maging single.
It has it's perks naman. Lalo na kung bata ka pa o malikot at
immature. Pero kung gagamitin mo rin kokote mo, at yung puso mo din
(ganyan?? May drugs yata 'tong Chamomile na iniinom ko), maiisip mo na
malungkot mag-isa. Pero heto ang sitwasyon ko ngayon. I have no choice
kundi maging matibay para sa sarili ko.
Pero mahirap 'teh! Parang poverty... mahirap. Chot.
* tumingin sa bintana at nag buntong hininga
(Pabulong) Mahirap...
Drama levels, duncha just lavette??
Nagkamali ako kay Caloy. Sana binigay ko na ang aking matamis na oh-oh
noong tinanong niya akong "o, irog.... Keri mo bang... You and I...
Jowabelles... Like now na?"
Walang mapupuntahan ang isang libong mga "sana" ko. Wish ko lang ay... mag hiwalay na sila para ligawan niya ulit ako.
ECHOS LAAAAAANG!
No comments:
Post a Comment