Wednesday, July 3, 2013

Station 1

-->
I think I still have a weekend hangover because I’m still missing my long weekend.  I was in Boracay, not to celebrate my birthday because I don’t really celebrate it,  but to be away from everyone.  Or at least everyone that I don’t like.

Ahaha.

Sumama si Teta sa akin kasi 2,000 years ago pa daw siya nang nakapunta sa isla.  Sabi ko, “naku, may progress na sa Boracay.  Namatay na ang mga dinosaurs at madami nang bakla!  More bakla, more fun!”

Chot.

At dahil 45 pounds ang nawala kay best friend, gusto na niyang maranasan ang mag bikini. 



Chill lang naman kami.  Nothing heavy.  During the day, lounge lang sa beach habang lumalagok ng tubig at fruit shakes.  Kapag may poging dumadaan... tinititigan.  Kapag tumingin din.... AKIN SIYA!  

Char.  

Sa gabi naman lumalamon.  And then after that, drinks sa Epic or Juice bar.  Parating maaga si Teta umuuwi para matulog habang ako nagpapa-iwan sa bar.  Gusto ko lang naman talaga uminom at manood ng mga tao.  Pero siguro pagkakamali ko na bumalik pa ako ng Boracay.  Too many good memories turned bad.  For me, at least.  The music didn’t help at all.  Bawat “Million Voices,” “Don’t You Worry Child,”  “Happiness,”  “City of Dreams,” “Clarity,” “Sweet Nothing,” at etc na mapatugtog, naaalala ko ang taong gusto ko muna makalimutan.

Pero kung mayroon mang maganda na naidulot sa akin ang maikling bakasyon na ito, iyon ay ang pagpapahinga sa isip ko.  Gusto ko sabihin sa sarili ko na mas tanggap ko ang kasalukuyan at ang katotohanan.  Mayroon pa ring hinanakit.  Hindi ko naman maiaalis yun.  Kasalanan ko bang ipinanganak akong tao at hindi bato.  But I hope I will move forward.  Medyo vague yata ang description na nasulat ko tungkol sa kung anong nanyayari sa akin ngayon.  Pero ang importante lang, magkaroon ako ng gabay upang tumino.  Tulad ni Eric sa My Husband’s Lover, I also deserve to be happy. 

CHOS. 


1 comment: