Tuesday, February 7, 2012

Bagong Taon Na!!!!!

Pakkkk!

Boom!

HAPPY NEW YEAR!!!!!!


Parang autistic lang.

Kaloka.  Dinatnan na ako ng Chinese New Year at pumasok na ang February, wala pa rin ako nasusulat dito.  LOL.  So ano nga ba ang pinagkaka-abalahan ko nitong nakaraang 4 months.  HU-WELL.  Nakalipat na ako sa condo ko.  Mid December pa.  Nope, wala ito sa Makati or the Global City or kahit man sa hada city of Eastwood.  Sa Alabang lang naman ang condo ko.  At hindi ako dito 100% na nakatira dahil ang mga gamit ko sa trabaho nakapako na sa family balerrr.  Mga 3 times a week ako dito natutulog. Plus 1 day kung may hada. 

Echos. 



Ang effect lang naman ng pagkakaroon ng sariling lugar ko ay naging official tambayan na din ng mga kaibigan ko ang place ko.  Fine with me.  At least di na kami mag-iisip kung saan pwedeng tumambay kapag weekend dahil pwede naman sa akin.  Bring your own beer lang ang kyeme, solb na ang mga becky. 

Heto nga pala ang view mula sa balcony ko kapag gabi.



Kuha ko ito noong December 31 bago nagputukan ng mga fireworks. Wala nang ibang putukan ang naganap.  Sad.  :(  Char.

This year, ambisyon kong matutong magluto.  Kahit konti lang.  Last week nagluto ako ng spaghetti gamit ang fresh ingredients.  Ginawang midnight snack ng mga kaibigan ko.  Wala namang natigok sa kanila kaya I guess pwede na. 

Last weekend, bukod pa sa paborito kong over-cooked spam (yung medyo malutong at golden na) for Sunday breakfast, wala akong nailuto kasi tinamad akong mag grocery.  LOL!

Award. 

Wala na ako ma-chika.  Kaya video na lang muna ni Big Boy ang ending ko. 

4 comments:

  1. at ang nice lang ng condo! cuteness!

    makikitambay kaming mga blogger jan soon! chos

    ReplyDelete
  2. Your place looks nice. Big boy is really cute. If you and big boy are in Makati ... Let me know. We can have big boy play with Char Siew and Midori.

    ReplyDelete
  3. hhmmp, kala ko naman you stopped blogging na just like what you did with your previous blog! parang ang bilis mo magsawa noh? char, me ganon!

    ReplyDelete