Gusto kong
sabihin sa sarili ko na ok ako. OK
meaning hindi ako galit; hindi ako namomoblema kahit kanino... or at least
hindi sa madaming tao. Yung hindi
ako malungkot. Yung maging... OK. Ganun. Pero sa totoo, parang wala ako maramdaman na saya o lungkot
ngayon. Ang labo ‘no? Dapat masaya ako dahil nagkausap ulit
kaming tatlo kanina ni JC at T sa WeChat, just like old times. That’s one good thing about today.
I’d like to
keep my friends. The good
people.
Lumagpas na
ang kalahati ng taon. There were a
lot of good memories. But just a
few weeks ago, I saw these as good memories turned bad. But I’ve absorbed all the stuff that
has happened and told myself to be mature about these mistakes and heart
aches. Tinanong nga ako ni Ken
kung pupunta ako ng Boracay kasama
ang barkada sa November 1. Sabi ko
ayoko. Too many bad memories. Ang sagot naman niya, “then make new
ones.” Kabog ang sagot. Parang nakuha sa Candy Magazine
lang. Candy Magazine talaga??
Siya na ang
pangalawang tao na nagsabi sa akin niyan.
Hindi naman masama ang advice.
Kaya I guess it’s the best advice that a friend has given me. No I’m not going to Boracay in
November. I already promised my
friend from Canada that I’m going with him in January. I’m now moving forward, trying to be
more positive (as I have always been naman) and creating new memories with
friends, old and new. Kaya I
always look forward to weekends.
In a
somewhat related story, last weekend was something. Saturday night I met up with V, who’s visiting for the
weekend from SG, and the rest of the South Boys at Rue Bourbon at The
Fort. First time to be there.
Shet, puro lasingerong junjun at nene.
Naka dalawang gigantic mug ako ng Caramel beer. Sarap. Bongga. Beer
pare. Nakaka-straight. Chos. Tapos lumipat kami sa Distillery and saw a friend from Path. Mmmmm. Sarap i-hug. I was on my way to Opus to meet my
other friends when one of them called to tell me that they’re moving to Obar
because Opus was dead boring. So
U-turn naman ako sa Magallanes.
Sinusundan ko lang ang dikta ng Waze dahil mahina ako sa
directions. Sa Obar, ako ang nauna
pero I saw some friends na nakakuha ng table so doon ako tumambay. Magastos ako kapag lasing kaya napabili
ako ng isang bote ng Jack. Natuwa
ang mga bakla, of course. Tapos
nakatanggap naman ako ng tawag from the South Boys na nasa Bed sila lumipat. Na-excite ako. Nakalimutan ko nga magpaalam sa mga
kaibigan ko, eh. So fly ako to Greenfield District. Sa totoo lang hindi ko matandaan kung
paano ako naka pag-drive at nakapag park.
Anyway, nakarating naman ako.
Nasa second floor sila at naabutan kong nagpo-pole dancing. Pole dancing?? Yes, pole dancing. Lasing na ang mga becky. Ang mga straight acting bumakla na. Then I saw 2 more Path friends. It was a fun weekend and proud of
myself na nakayanan ko pa ring mag drive, although it’s something I shouldn’t
be doing.
This
weekend, I plan to have a chill night lang with a few friends. Wag na muna alcohol. I’m still treating my gerd
problem.
The moral of
the story is, kapag lasing, gumamit lang ng Waze app para maka-uwi. LOL.
Cheers for the rest of the year.
Cheers for the rest of the year.
Taray gimikera.
ReplyDeleteHehehe!