Thursday, August 8, 2013

World, Torrent. Torrent, World


This is my cat, Torrent. Yep, i named her after the freeloaders' favorite software.  Why? Wala lang.  Baket ba?  Walang basagan ng trip. She's a year and 2 months old. I don't know her exact birth date. Tinancha ko lang when I got her last year. She's not exactly loveable.  Bruha yan sa totoo lang. Di pa kasundo nanay ko.     She's small for her breed (Himalayan).  Kasama ko yan sa kwarto matulog. Dalawa ang pwesto niyan. Isa sa side table ko at isa yung upuan sa writing desk ko.  Di yan tumatabi sa akin matulog.  Bruha nga kasi.  Independent ang peg.  Mabait lang yan sa akin kapag gutom.  

May boypren yan sa labas ng bahay na isang stray cat.  Pero di pa sila nagtotortahan dahil bawal siya lumabas ng bahay.  Prinsesa levels.  Kaya minsan, kapag kating-kati na siya, sumasayaw yan sa sahig at nag-iingay. 

"Pakawalan mo ako! Now na! Gusto ko ng dyug.... Dyug dyug dyug dyug," baka sinasabi niya.

Kahit na madali naman mag-alaga ng pusa kaysa sa aso, may kahirapan din kasi indoor cat siya. So scoop-scoopity-scoop galore ng poop at wee-wee sa litter box kapag may time.  

I had a cat before, si Mimi Sue. At lalake siya!  And when I lost him (na-tsugi siya), sobra akong nalungkot and na-miss ko nang sobra.  Kapag naiisip ko yun, minsan nagsisisi ako na nag-alaga nanaman ako ng additional na pet.  Kahit na bruha tong pusa ko, love ko na rin yan. And when it's her time to go, siguradong malukungkot nanaman ako niyan. 

Wala.  Yun lang kwento ko. Baboo!

5 comments:

  1. Ang kyut! pero not into cats eh ang landi landi nila kumilos. tapos kutkot pa ng kutkot. May pusa din kami dati di ko alam breed nun eh basta alam ko nakatira siya sa amin. I named her Sharon (Kasi uso yung tambalang Sharon at Gabby at that time) and yes may asawa siya Gabby pangalan pero iniwan din siya. Haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. actually ako din di masyado. impluwensiya lang ng isang ex ko 8 years ago. LOL.

      Delete
  2. Gano ba katagal ang life span ng mga pusa?

    ReplyDelete
    Replies
    1. i think as long as dogs din. i remember sa vet may na encounter ako na 17 years old na Himalayan. =)

      Delete
    2. wow, isang taon na lang, debut na! *haha*

      Delete