Friday, November 18, 2011

2 Saturdays Ago

2 Saturdays ago, my friends and I went on an over night stay in Corregidor. Why Corregidor? Wala lang. Na curious lang ang mga lola. Medyo nakakapagod ang biyahe ha. Ganito. I'm not sure about the day trip fee, but ours kasi is 2,600 pesos per person. That includes round trip transfers, island tour, terminal fees (yes, may ganyang eklat… haha), welcome drink, buffet lunch (don't expect much) and over night accomodation at the Corregidor Hotel. One room is good for upto 3 persons. 11 kami so 4 rooms ang nakuha namin (ang galing-galing ko sa math, salamat kay Dora the explorer).


Hindi ko alam kung may ibang tour agency na gumagawa nito pero we got the package from Sun Cruises. Iba ang place kung saan nabibili ang tickets at kung saan ang boarding area. Nabibili ang tickets doon sa tabi ng Harbor Square. Ang boarding area naman ay doon sa likod ng Folk Arts Theater pa.

Boarding time was at 7:30. We left at 8AM. Less than One hour and a half ang biyahe. Pagdating sa port ng Corregidor, naka-abang na doon ang mga bus. Each bus is numbered. Sa ferry pa lang, sasabihin na ng tour coordinators which bus each group should go to. So hindi naman kami nagkagulo dito.

Ang bus na walang mga pintuan na ginagamit sa island tour





Bumisita kami sa iba't ibang shrine, Gun locations at mga ruins. May optional Malinta Tunnel tour for 300 pesos pero hindi namin kinuha yun. Mas interested kami doon sa night tour. After the day tour, dinerecho kami sa Hotel for the lunch buffet. Ok naman ang food. Nothing fancy. Friendly naman ang staff. After lunch we rested in our rooms. 




5PM and start ng Night Tour. 150 pesos lang ito. Kasama na dito ang sunrise tour the next day na hindi na namin pinuntahan dahil effort gumising nang maaga. LOL. Sa night tour, again, we visited old buildings, and ruins after watching the sunset. Pero ang highlight nang lahat ay ang tour ng hospital area sa Malinta tunnel. Sira-sira talaga siya kaya kailangan ng helmet para sa tour na ito. Corny nga eh. Wala akong naramdamang mumu kahit na nag-lights out pa. Takot fail, ganyan.

Pagdating sa hotel, ayan dinner na. Mahal ang food sa Corregidor ha. 200 to 300 pesos ang labanan. Award. Pati drinks. Kaya sinulit na lang namin ang bonding tiime sa 4 na litro ng Red Horse. Ang butch-butch! LOL. Medyo hindi kami satisfied sa trip kumpara sa binayad namin. I feel na masyadong mahal pag magovernight ka doon. Pero nasulit ang weekend dahil masasaya itong mga kasama ko.

Ang mga becky patungo sa beach.
The next day, dahil sa ako ang pinakama-agang nagising kahit na ako ang pinakalasing, ako na rin ang unang kumain ng breakfast. Ayun. Na-holdup sa breakfast. LOL. Nang gumising yung mga kasama ko, kumain sila sa canteen na malapit sa hotel, McArthur Cafe. Mas mura ang pagkain doon. May pagka-slowwwwwww nga lang yung Manang na namamahala. Pero friendly naman siya. Namasyal kami nang konti sa beach. Hindi na namin inattempt lumangoy dahil mabato. Pictorial nang konti dito at diyaan. Tapos nag pack na kami ng gamit namin.



Boarding back to Manila was at 2PM. Nakadating kami sa CCP Complex before 4PM.


Pagdating sa parking fee, 300 pesos ang overnight charge.  Yes, mas mahal pa sa airport parking!  Bad trip.

Overall, masyadong magastos ang weekend na ito.  Sinasabi ko sa sarili ko na nasulit naman sa bonding namin pero... magastos talaga mag overnight sa Corregidor!  LOL.  :P

5 comments:

  1. ang butch nyo lang sa pics huh! hindi halatang mga diwata kayo, hihihi!

    ReplyDelete
  2. Hahahaha! Nice one there! The first time I was there e from Mariveles Bataan ang boarding namin, riding fisherman's boat...mega effort kami to go around the place gamit ang aming mga paa. But it was a memorable trip with my high school friends....Yup tagal na nun!

    ReplyDelete
  3. hmmm im intersted for the same tour din hehehe thanks for the info

    ReplyDelete
  4. wow kainggit.... how i wish makarating din me jan, if may opportunity..

    nice one!!! ;)

    ReplyDelete