Saturday, October 1, 2011

Korean Diary

Sept 26

Bumabati sa inyo mula sa bayan ng Hyundai Starex at Sandara Park, ako po si Felipe, 25 (echos), representing Alabang... Muntinlupa... City!!!!!

FYI, pinilit lang akong isama sa trip na ito ni mudra at pudra. As expected, ako ang dakilang tagabuhat ng mga bagahe nila.

Hindi... Ito... Gawain... Ng... Isang... Beauty... Queen!!!

Tanginang flight yan o. Mula sa Pilipinas, ang 11am flight Manila to Hong Kong ay naging 11:50am dahil hindi maka-alis ang eroplano namin dahil 5 na eroplano na ang nakapila sa runway, lumalakas pa ang ulan. During the flight naman, ang inaakala kong lunch ay snack lang pala. Di talaga ako mabubusog sa monay na nagswimming sa mantikilya.  Pagdating namin sa Hong Kong, 1:50pm na. Walang time para kumain o umihi o umebak dahil medyo lang 2:25pm ang departure ng eroplano. Napa-marathon kami ng nanay at tatay ko sa pagtawid ng Hong Kong airport mula gate 3 hanggang gate 71. Natuwa pa nanay ko nang ma-annouce ang pangalan niya sa paging system.

"Mom, late na daw tayo. Iiwan na daw tayo."

"Hihihihihi... Pangalan ko yun... Hihihihi."

Photo finish naman kami na may greeting na nakasimangot na mga chekwa sa eroplano.

Flight from HK to Seoul, akala ko ang snacks natapos sa mani at softdrinks. Naku, kapag gutom kasi ako, ang sungit-sungit ko. Maya-maya, nag distribute naman sila ng chicken with rice meal. May katuturan din naman pala ang 3-hour flight to Korea. Natuwa naman ako at ang mga bulate ko.

Bulate: "yehey!"

Ayan. Bongga ang Icheon Airport. Mahihiya ang mga officials ng Manila Internal Airport, kung may natitira pa silang hiya sa mga katawan nila. At imagine mo na lang ang frustration ng tatay ko na dating sundalo na lumaban para sa South Korea noong Korean War. Noong araw daw Pilipinas ang progressive sa Asia sunod lang sa Japan. Ngayon, napagiwanan na tayo ng buong mundo.

Lahat ng kotche dito equipped with GPS.  Kahit taxi.  Bongga, right?


We are now booked at the Grand Hilton Seoul. Haggard. 1.5 hours ang layo mula sa airport. At dahil ultra haggard ang mga magulang ko, kasalukuyan na silang humihilik para handa na sa bukas na kay GONDO.


Walang WiFi.  :(  



Sept 27

Wow. Grabe. Wala talaga. Wala talagang gwapo dito.

Ahaha ahaha.

At dahil ang plano lang namin sa umaga ay pumetiks, Mom, Dad and I tried going to downtown via Hilton Hotel bus to explore. Useless ang grade school english lessons namin dahil hindi naman marunong mag English ang mga tao dito. LOL! Ay nako. Dahil nag give up na ang tuhod ng tatay ko, bumalik na lang kami sa hotel for lunch. Afternoon, we were able to join a group tour to Changdeok Palace, an amethyst jewelry store (Mom bought a necklace and a bracelet), and 2 city markets.




I got bored, actually. Puro lakad, puro palace, puro kwentong concubine ng mga Emperor. Wala bang kwentong kabaklaan? Ehehe ehehe. Pero love ko yung parang divisoria dito. It's called Namdaemum market. Fake-ness lotsaness. But compared to divi, mas maayos ito, mas maluwang  at di hamak na mas malinis. Wala ako nakitang basura at all.



Anyway, like what I said, walang gwapo dito. Well, actually, BIHIRA ang gwapo dito. Pero kanina naloka ako doon sa isang tinderong binilhan ng bag ng nanay ko. May pogi factor naman. 3 out of 5  stars, ganyan. At dahil uso dito ang slim jeans, bakat ang itlog ni kuyang tindero. Sarap!

i can't wait to go home. Yeah i know, i know. We've been here for only 24 hours. I'm a horrible traveller. But We are so helpless here. Well, I'm so helpless here. Haha. Uy, hindi naman sa anumang kabaklaan. Wala lang kasi ako kakilala dito. Walang kotche. Walang happenings. Walang GPS akong dala! Kasama ko lang si mudra at pudra. Sa ibang salita, wala akong powers! Ganito pala ang feeling ng maging hampas lupa.

Chos!



As I'm writing this, CNN is reporting that the typhoon in the Philippines so far has killed 7 people . Homaygad.


Sept 28

We went out to downtown again this morning on our own. Mom and Dad did some shopping at the cheap stores at the underground shopping center. I was Mom's personal calculator and currency converter. Good thing I have this iPhone app called XE Currency that converts currencies even when my phone is offline. You just need to manually update the rates once in a while. Nakakatuwa.

Naloloka ako sa mga slim fit pants ng mga lalake dito. Kahit hindi sila ganun kagwapo, napapatingin pa rin ako sa mga crotch at pwet nila. Ahaha ahaha. At bihira ang mataba dito ha. In fairness.  Eh tignan mo naman ang pagkain nila dito very healthy.  At walang lasa.  LOL!



We just got home from watching Namta, this Korean musical comedy na puro tambol at ingay. Ala Stomp, kumbaga.

"The musical has a simple back story of three cooks attempting to finish preparing a wedding banquet within a strict time limit while the manager installs his incompetent nephew among the kitchen staff. The show involves acrobatics, magic tricks, comedy, pantomime and audience participation. The unifying element throughout the musical is the use of traditional Korean samul nori music, which in this case in performed with improvised instruments, such as cutting boards, water canisters and kitchen knives. The performance is almost completely non-verbal. The very few words which are spoken are in English. (http://en.wikipedia.org/wiki/Nanta_%28musical%29)"

Funny naman siya kahit na paano. May hotness na mga afam sa audience. Ahahaha. Yun pa talaga ang napansin eh, 'no? We had Korean food after the show. Unless we went to the wrong Korean restaurant or wala talagang lasa at dinadaan lang sa anghang ang pagkain ng mga tao dito. Yan pala ang sikreto ng pagiging balingkinitan.



Sept 29




We visited this Koreal Folk Village that is 1.5 hours away from Seoul. Di talaga maka register ang mga city names sa utak ko. They all sound the same! Some end with guennn... iba with deun. Iba sound like weunn. Aba, ewuenn kew bah.  The village is  fake kasi replica lang siya ng kung paano mamuhay ang mga Koreans noong araw.   Nayong Pilipino levelings, ganyan.  It was built by the government during the 70s I think, kung tama ang pagkaintindi ko sa guide namin na kung magsalita parang kumakanta ng kundiman.



Sa Folk Village meron dapat show na ipe-present ang mga farmers kaso mo masyadong malakas yung ulan kaya cancelled ang performance nila. However, natuloy naman yung horse show performance na binubuo ng isang majondang bilat at mga lalakeng bagets na may potential na maging superstars sa asian boys dot com.

Ihihihihi.



Dinala din pala kami ng guide namin sa Blue House. Parang sa Amerika yung While House, dito naman yung Presidente nila nakatira sa Blue House.  Ang pilosopo 'no?  Ang daming pulis... Mga naka slim pants din. Ihihihihi. Keri naman nila kasi hindi naman sila matataba. Hindi katulad ng mga pulis sa Pilipinas na mga mukhang butete.



Sept 30

At dahil ang tatay ko ay nakasama sa Korean War noong araw, pumunta kami sa Demilitarized Zone. Ito yung boarder na kung saan nahahati ang North Korea at South Korea. So yeah, kamusta naman ang security di ba? Para kaming papatayin ng mga sundalong Koreano kung sila makatitig sa amin. Nakaka-windang. At wag ka. Tourist attraction ito. LOL. We went there not as part of a packaged tour. Dinala kami doon courtesy of the Philippine embassy. Bongga right? At mga sundalong pinoy pa ang nagdala sa amin doon, in private cars. Parang magnanakaw na Pinoy congressman lang naman ang dating namin. It was an hour ride from our hotel.



Ang tour guide namin ay galing sa US Army. Hindi siya photogenic pero pogi si bagets. Hihihihi.

Cutie siya.  Hihihihihi

Nasilayan namin ang North Korea! Exciting! Grabe para itong awayan ng dalawang Korea 'no? May eksenang kidnappan at hukayan ng mga hidden tunnel para lang salakayin ng North Korea ang Seoul. Nakaka-awa din ang condition ng mga tao sa North. Biruin mo, mas priority pa ng Gobyerno ng North Korea ang gumastos para sa mga weapons kaysa pakainin ang mga mamamayan nila. Kaya madaming taga North ang gustong tumakas at lumipat sa South. Ang ending, tsugi sa border.

North Korea's Propaganda Village.  Read about it here.  http://en.wikipedia.org/wiki/Kij%C5%8Fng-dong

Sa ngayon I'm in the hotel room. Mom and Dad went to a function at the Philippine Embassy. Hindi na ako sumama dahil hindi ko trip. And besides, i want to rest now. I mean, ayoko nang gumalaw. Di ako masyado nakatulog kagabi dahil nagsasagutan sa hilik ang nanay at tatay ko.   Sa totoo lang hindi ko gusto ang trip na ito. I'm just glad that we're going back to Manila tomorrow.

Kamusta naman ang sasalubong na bagyo sa amin, di ba?



Oct 1



Flight back to Manila, upgraded to Business Class.  Bongga!

3 comments:

  1. Love the pics! At type kong magkaron din ng pic naka tayo sa kabayo. Gusto ko nyan!!! Hihihi!

    ReplyDelete
  2. "Ikaw pa pinipilit ngayon.. hahahaha. Ang ganda kaya dyan!

    ReplyDelete