Tuesday, August 9, 2011

Kras

Hindi ako kinabahan. Hindi ako nag-alala. Hindi ako nagdalawang isip nang imbitahin ko siyang makipagkita. Tutal, 3 months na rin yata kaming nagco-communicate through, Facebook, SMS at What's App. In fairness, nasulit ko ang What's App dahil magkaiba ang service providers namin. Sabadong-sabado, namomoblema ako kung paano ko gagamitin ang weekend ko. Hindi nagparamdam ang mga kaibigan ko. Yung isa may review. Yung iba may date. At yung isa naghahanap ng inner peace, kung ano man yun. So naisipan kong yayain si TN na lumabas.

"Doing anything tonight?"

"No plans as of the moment. What's up?"

Naku, ayan nanaman ang mga "What's up" na yan. Ano ba talaga ang tamang sagot kapag tinanong ka ng "what's up?"

"Showing ang Babae sa Septic Tank in SM Southmall tonight. I'm planning (Echos!) of watching the 9PM screening. Come with?"

Come with… ang sushal. Matagal ko nang naririnig ang "come-with-come-with" na yan. Obviously, short cut yan ng "wanna come with me/us?"

Aba, after less than a minute, sumagot naman siya agad.

"Yeah sure! Let's!"

"Great. I'll pick you up at 6pm so we can buy tickets and have dinner."

Nakilala ko si TN through Grindr a few months ago. Nakabandera picture niya doon. Sabi ko pogi. Nakabandera ang picture ko din doon. Nakita niya kaya nag hello siya hindi dahil naloka siya sa ganda ko kundi dahil nakikilala niya ako. Marami kaming common friends, we live in the same village, hindi nagkakalayo ang mga edad namin and we come from the same school. In a few days, we exchanged numbers and facebook pages but it almost ended there. We didn't message often. But we'd always say hi naman whenever we're both online. So you see, marami din namang mababait na tao sa Grindr. Hindi lahat manyak. LOL!

6PM. The house in front of the park. Right. And there are 10 houses in that row. But I recognized the guy in white shirt and jeans standing on the side of the road. Oh, great. Pogi. Mahal ko na siya. Chos.

Pagkapasok niya sa kotche, nagtawanan kami nang konti kasi naman finally, nagkita na kami, after 3 centuries.

We bought the tickets and had dinner right away. Grabe and carbo loading ang ginawa namin. Napadami ang order. But it was alright. It gave us time to talk more. It's refreshing to finally meet someone who grew up in the same environment as I did. Kung may ihihirit ako about my old school, maiintindihan niya. Kung may iihirit siya about the politics in the village, maiintindihan ko din.

"Oh… yes… absolutely…. I know exactly what you mean."

After a thousand calories of pasta... and a yogurt, we were at the movie house. Hindi ako sigurado noong una kung trip niya ang mga tagalog movies pero nag-Oo naman siya when I invited him to watch it. May pagka inglisero kasi ang taong 'to kaya minsan feeling ko kailangan kong kumain ng dictionary. Pamilya ng mga inglisero kasi. Ganyan. Nag-alala ako sa first part ng movie. Aba, pucha, nagda-drama si Miss Eugene. Medyo matagal-tagal ang mga eksena. Seryoso ba 'to? Maling pelikula ba ang napasukan namin? Hindi ba dapat comedy ito? Naku baka nababato na si TN. Buti na lang bumawi din at lumabas na ang comedy. Whew!

Pagkatapos ng movie, habang naglalakad at nag-uusap kami ni TN sa hallway, pabalik na sa kotche, doon ko siya unti-unting napagmamasdan. Yung kanyang tawa na natatangi sa isang taong edukado. Ang kanyang mukha na maamo. Medyo matangkad siya. Pero lahat naman yata ng tao mas matangkad sa akin eh. May pagkakulot ang kanyang buhok parang ako… something-something years ago. At naku-kyutan ako sa kanyang chinitong mga mata. Napapangiti ako habang nilalarawan ko siya. Madami sa mga katangian niya, swak na swak sa akin.

Confeermed. SI TN ang aking bagong crush. Pero mukhang sa ngayon, hindi ko pagkakainteresan na magka relasyon sa kanya, o sa kanino man. O, statement 'yan. Sa ngayon, mas gusto ko na lang siya muna maging kaibigan. Gusto ko din muna maging single. Pansamantala, magpapakakilig na lang ako habang iniisip ko siya.

1 comment:

  1. comedian ka pala! hehe :-)

    masarap maging single after a failed relationship kaya pahinga muna ang puso. lol! may segue na points to ponder.

    ReplyDelete