Parati kong sinasabi sa mga kaibigan ko na hindi ako madramang tao. Totoo naman yun. It has been one month since the break up. And i don't think i ever complained to anyone about being single. I didn't have a horrible relationship with my ex for 3 and a half years. It was actually great and i learned a lot from him. But i'm embracing my singlehood now. I'm enjoying it. Hawak ko na ngayon ang sarili kong oras. I am not obliged to meet up with anyone on a regular basis. One good outcome of this singlehood is that I get to see some old friends again. Some i get to talk on FaceTime. FaceTime babad kumbaga. Sa mga naka-usap ko, we just did a lot of catching up. At hindi ko na kailangan ipagpa-alam pa ito kahit kanino. I get to talk or meet anyone i want any time.
I don't want to get into a relationship. At least not soon naman. I'm open to dates, though. It's never wrong naman to meet new friends. I had one 2 weekends ago and it was a blast, na walang halong malisya.
Chos.
Kung gugustuhin ko man magkaroon ng ka-relasyon soon, kaya naman ng powers ko. Yun ay kung hindi ako mag-iisip nang mabuti. Subo lang nang subo sa kung sino na lang ang dumating. Pokpok levels, I KNOW! May tatlong manililigaw. Yung isa, thunder cat na hindi ko talaga type. Yung isa alam ko hada lang ang gusto sa akin pero ewan ko ba. At yung isa, ok na sana. Cute (na malaman), has a stable job, has a car, close to my age at alam kong mabait na tao. Kaso taga Fairview so kamusta naman taga Alabang ako.
Nakakapagtaka lang din. Since July, sobrang busy na ng schedule ko. And during the week, ang inaatupag ko lang naman ay trabaho. Himala nga na nabibigyan ko pa ng panahon ang Personal Training ko sa gym 3 times a week. Pampadagdag sa schedule na ok lang din naman. Pero kapag weekends, libreng-libre ako na makipag kita sa mga kaibigan ko, kung may usapan man. Ewan ko rin din. Kung kailan ako naging single, at saka naman sila naging busy din pati weekends.
Ang drawback lang so far sa pagiging single ay effort maghanap ng lakad kapag weekends. Kasi nga wala na yung regular na kasama ko. Pero mabuti na rin ito. Kahit na paano siguro mapipilitan akong magpahinga. Pero ang gusto ko makasama ko ang mga kaibigan ko. Bihira ko na sila makita. Doon lang ako nalulungkot.
Nami-miss ko ang barkada ko.
Pero totoo, hindi ako madramang tao, ok?
* sniff, sniff
"Subo lang nang subo sa kung sino na lang ang dumating. Pokpok levels, I KNOW!" -- mabuti alam mo. chos! bakit? malapit lang naman ang FVW girl. isang bus ride from Alabang. LOL. meet kayo half way. sa Megamall or Cubao. ganyan.
ReplyDelete