About 8 years ago (o, di ba lang? Mag-balik-tanaw talaga…), may nakilala ako na taga village namin through MIRC. Yes , I know, laos levels. Mga nasa home for the aged na yata ang mga gumamit ng MIRC noon panahon ng Hapon.
Chos.
So ayun. Na-excite naman ako nang bongga kasi wala pa akong nakikilang diwata from the village aside from KD, aka Kimi Dora, na that time ay nasa US of A. Kung tanga ako ngayon, mas tanga ako noon. Hiningi ko picture niya, ayaw niya. Hiningi niya picture ko, binigay ko naman. ANGTANGADEEVAH??
/File/Send lang naman.
Sa picture na pinadala ko, best smile, best pose, best hu-whateyverr mula sa panahong hindi pa kayang bilangin ang buhok ko sa ulo. Dito ko din na-discover na my left side is my best side. Kaya kung mapapansin mo, pare-pareho ang pose ko sa FaceBook. LOL.
Heniwey, highway, so sa dahilan na sabik akong makakita ng bagong kaibigan, at sabik siyang makakilala ng bagong diwata, nag plano kaming mag-EB. Merienda sa ATC ang plano and I was suppose to pick him up. No problem, sabi ko sa sarili ko. Go lang. So dahil wala pa akong sariling car that time, na-klepto ko muna yung Nissan Patrol ni mudra. Di ba lang, sa liit kong 'to, yung malaking kotche pa ginamit ko. Alog-alog levels. So I picked him up at his street. Pagpasok niya sa kotche, split second ko nalaman kung bakit ayaw niyang magpadala ng picture.
BASTA GANON.
Hu-well, sabi ko sa sarili ko simpleng meet-up at merienda lang naman ang usapan, so be it. Baka kamo mabait naman ang ugali, ok na rin. Pero hindi 'day, HINDI! Habang nagdi-drive ako papunta sa ATC, nalaman kong presko pala ang ugali ni gago. Alam mo, sensitive akong tao pagdating sa itsura ko. Alam kong hindi ako ganun kagandahan pero JUSKODAY, at least hindi naman ako kasing chaka niya na hugis aparador pa! O, ayan, nasabi ko na kung bakit ayaw niyang magpadala ng picture. Sinabi kong presko ang ugali niya dahil he kept on saying "ah, maliit ka pala 'no?" The first time na sinabi niya yun medyo pinagpasensyahan ko lang. But he kept of joking about it. Ang yabang ha. Tapos gusto pa niyang mag hold kami ng hands at sinabi niyang he wants to kiss me after I park the car.
Heller?? Sexual harassment alert. Afraaaaaid!
I'm suuuuuure gawain niyo din itong Plan B ko. Pinatunog ko ang cellphone ko, kunwari nanay ko yun at pinapa-uwi na ako. Sabi ko sa kanya "something came up" and I have to cancel the merienda with him. Nagpa drop off pa rin siya sa ATC. He looked sad pero sorry, I was more angry. Salamat sa mga insulto and freaking me out. At dahil prepaid pa ako that time, I bought a new sim card immediately after that.
Ngayon naman, after years of technology upgrades (para namang ang tanda-tanda ko na…. tanda lang!), may naka-usap ako sa Grindr the other day na walang picture. But he's from the village. Sabi ko sa sarili ko, "baka pogi 'to! Baka Uma-Azkal or Vumo-Volcano!." Hihihihi. He macked me and we had a little conversation. Medyo nga madaya kasi may pic ako sa profile. So i asked for his. He's not comfortable daw sending his pic. So fine, ok lang. Dapat friendly kasi I'm running for Miss Congeniality 2011 (echos). After a few lines, we decided to meet up that day for a movie after my work out. We traded numbers and he told me the street where he lives.
ALAM NA!
I had to ask him a few more details just to confirm if this is the same asshole I met 8 years ago and suffice it to say, yes, it's him. Sabi niya give him a chance daw, meet up with him, nagbago na daw siya. Di ko alam kung paano siya nagbago, kung nagpa-liposuction siya or cosmetic surgery but the fact that I didn't have a pleasant time with him then, even if it was just for a day 8 years ago, I just had to cancel the meeting because I totally lost interest. After gym, I blocked him on Grindr and super-super hoped that he won't call or text me ever again because this time hindi na ako naka-prepaid.
EEEEK!
i personally like giving second chances pero pag chaka, wala ng second chance yun! unless nagparetoke at nagpaganda ng katawan, lol!
ReplyDelete