Sunday, July 21, 2013
Monday, July 15, 2013
Commit
-->
Sa gitna ng
sumasayaw na mga ilaw at nakakabinging club music, tinitigan ko siya sa loob ng
ilang segudo at doon... doon ko na ipinasya sa sarili ko ang susunod na mga
pangyayari. May tama na ako mula
sa mga basong alcohol na itinagay ko sa loob ng dalawang oras. Malakas ang loob ko. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at
hinila papalabas ng bar... patungo sa kotche ko sa 2nd floor parking. Pumasok kami sa loob at doon
nag-usap.
Sa bawat
pangungusap may tuldok na halik.
Mahigit na
isang taon na ang nakararaan nang una kaming magkita ni B.
Una at
huli.
Ilang buwan
pa lang nang maghiwalay kami ni Hani noon at may sumpa ako sa sarili na hindi
na muna ako magkikipagrelasyon kahit kanino sa loob nang isang taon. May ilang lalake na nadismaya sa panata
ko na yun. Kasama na doon si B,
ang chinitang diwata ng Cubao.
Nagkakilala sa Grindr, nagkita sa Greenbelt, nanood ng sine, nagpamasahe
sa spa, naglandian sa spa, nag dinner, dinala sa Alabang, dinala sa condo at
buong gabing naghalikan, naghimasan, nag-ungulan, nagsubuan, nagdilaan at jusko
‘day ang laki-laki pala ni General.
Ganyan.
Hindi na
muli nasundan ng pagkikita na yun.
Napansin kong sumama ang loob niya. Pero ayoko naman sumabak sa relasyon ng hindi ko gusto o
hindi ako handa. Alabang and Cubao
is like so layo, riiiight?
Hangga’t sa
isang araw, makalipas ng ilang lingong hinanakit ng puso ko (nokonomon...
CHOT), isang “hello” na facebook message lang mula kay B, napapayag na agad
akong makipag kita sa kanya nang walang kaba, takot, hiya o bahala. Siguro, sabihin na lang nating
nag-mature ako nang slight... emotionally.
Kinabahan
ako nang konti na baka may guard na makakita sa amin sa loob ng kotche at baka
isiping may ginagawa kaming masama sa loob. Wala naman.
Kabastusan lang.
Echos.
“Alam kong
gusto mo ako. Nakikita ko naman
yun. At alam kong mabait kang
tao. Pero nababahala ako sa
distansya natin.”
“Hindi
problema yun sa akin. Basta parati
tayo mag-uusap. Kaya kita mahalin,
Felipe. Nagustuhan na kita mula pa
noong una tayong nagkita.”
“Alam kong
kaya din kita mahalin. Pero gusto
kong malaman mong mahal ko pa rin ang lalakeng kinaiinisan ko.”
“Alam
ko. Tanggap ko yun. Matututunan mo din akong mahalin.”
Napangiti
ako. Natuwa ako. Heto ang isang taong nangangakong
umintindi sa akin. Heto ang isang
taong handang pagpahalagahan ako. Heto
ang isang taong naghihintay lang ng sagot ko. Nanligaw. Hindi
naman siya mukhang masamang tao.
Disente siya sa pagkakakilala ko sa kanya. Ayoko nang patagalin pa ang paghihintay niya na doon din
naman ang bagsak. Kaya pumayag na
ako.
“Payag na
ako. Let’s commit.”
At sa
puntong iyon, milagrosong lumabas ang putting usok. White smoke, may bagong papa!
Alam kong
biglaan. Kung dulot ito ng alcohol
o kalungkutan, hindi ko alam. Pero
ayoko na rin mag-isa. Gusto ko na
rin magmahal. At heto na nga may
dumating. Ba’t pa ako
tatanggi?
Wednesday, July 3, 2013
Station 1
-->
I think I still have a weekend
hangover because I’m still missing my long weekend. I was in Boracay, not
to celebrate my birthday because I don’t really celebrate it, but to be
away from everyone. Or at least everyone that I don’t like.
Ahaha.
Sumama si Teta sa akin kasi 2,000
years ago pa daw siya nang nakapunta sa isla. Sabi ko, “naku, may
progress na sa Boracay. Namatay na ang mga dinosaurs at madami nang bakla! More bakla, more fun!”
Chot.
At dahil 45 pounds ang nawala kay
best friend, gusto na niyang maranasan ang mag bikini.
Chill lang naman kami. Nothing
heavy. During the day, lounge lang sa beach habang lumalagok ng tubig at
fruit shakes. Kapag may poging dumadaan... tinititigan. Kapag tumingin din.... AKIN SIYA!
Char.
Sa gabi naman lumalamon. And then after that, drinks sa
Epic or Juice bar. Parating maaga si Teta umuuwi para matulog habang ako
nagpapa-iwan sa bar. Gusto ko lang naman talaga uminom at manood ng mga
tao. Pero siguro pagkakamali ko na bumalik pa ako ng Boracay. Too
many good memories turned bad. For me, at least. The music didn’t
help at all. Bawat “Million Voices,” “Don’t You Worry Child,”
“Happiness,” “City of Dreams,” “Clarity,” “Sweet Nothing,” at etc
na mapatugtog, naaalala ko ang taong gusto ko muna makalimutan.
Pero kung mayroon mang maganda na naidulot sa akin ang maikling
bakasyon na ito, iyon ay ang pagpapahinga sa isip ko. Gusto ko sabihin sa sarili ko na mas tanggap ko ang
kasalukuyan at ang katotohanan.
Mayroon pa ring hinanakit.
Hindi ko naman maiaalis yun.
Kasalanan ko bang ipinanganak akong tao at hindi bato. But I hope I will move forward. Medyo vague yata ang description na
nasulat ko tungkol sa kung anong nanyayari sa akin ngayon. Pero ang importante lang, magkaroon ako
ng gabay upang tumino. Tulad ni
Eric sa My Husband’s Lover, I also deserve to be happy.
CHOS.
Subscribe to:
Posts (Atom)