A good friend of mine will move to Singapore soon
and it kinda leaves me feeling a bit sad about it. Seriously, I’m happy for him. Mas malaki sweldo doon and we have friends who also work there kaya I’m
sure we wouldn’t feel home sick that much.
Mag e-enjoy pa siya doon. Pero nalulungkot lang ako na unti-unti nawawala ang barkada ko. Two months ago, one left for Australia. Last year, dalawa na ang nauna sa Singapore. And I hear my other friends are also thinking
of working in Singapore. Naiisip ko lang na baka isang araw ako na
lang ang naiwan dito sa Pilipinas. Di ko
rin naman sila masisisi. They want
better paying jobs. Whereas ako somewhat satisfied na ako dito. Although frankly, imbyerna ang Gobyerno dito.
Mami-miss ko lang talaga sila kung karamihan sa kanila
mawala. I guess that’s just it. Alam mo yung mga matatandang magkakaibigan na
magugulo kapag nagkakasama? Heto yung
kami, yung younger version.
Well, nagpapasalamat na rin ako sa Diyos na nabiyayaan niya
ako ng mga mabubuting kaibigan. Sana dumami pa sila. And this is me being positive. =)
hong butch nyo lang ha! curious lang me: high school buddies mo ba sila? college? or sa work mo sila na-meet?
ReplyDeletehmmm...... parang network of friends. yung isa kaibigan ko, tapos pinakilala sa iba pang kaibigan, tapos lumaki na lang ang grupo. =)
Delete