Wednesday, November 16, 2011

Nega

For days... weeks... months.... ilang beses akong naloloka sa mga HIV/AIDS updates na yan and I couldn't help but think, what if may sakit na pala ako? Anong gagawin ko? Anong sasabihin  ni Mudra? Paano ako mabubuhay? Gagayahin ko ba ang death scene ni Ate Vi sa beach sa pelikulang "Pahiram ng Isang Umaga?"

Sabi nga ni McVie sa isang blog entry, yung kaibigan niyang bihira na ngang makipag-dyug tapos hindi pa nakikipag-anal, na-infect pa. It could also happen to me! Sa dami nang titi na naisubo ko (o, yabang, shet), baka isa doon may dalang deathly something-something!

Heto, kaloka. The other day, nagchi-chikahan kami ni @ohlalao about that nga. You see, NEVER pa akong nagpa-HIV test.

Ever-er-er-er-er-er!!! (echo effect yan parang sumigaw ka ng She-Rah).

So you can imagine ang loka levels ko with all these news I have been hearing lately. OK fine. Hindi na ako sakop sa 20 to 30 average age range ng infected. Pero, mukha pa rin akong 28.

Asa ka pa, Felipe, ASA!

LOL!

@ohlalao convinced be to get tested. You know, after having that chika session with him, it made me a little more comfortable to get tested. Sabi nga ni bakla, kung maaga kong malaman ang status ako, mas may magagawa din ako.

So ayun, single. Single ang status ko. Hala sige, pila na. CHOS!

So I decided to get tested on Saturday. I chose to have it done sa HP Diagnostics in Alabang near Asian Hospital. Pero yesterday, sinilip ko lang kung saan ang location ng HPD, at tabi nga lang talaga siya ng drive way ng Asian Hospital. Nakakita ako ng vacant parking sa kalye at doon na mismo nagdesisyon akong magpa-test na.

DIZIZIT! DIZIZRILI IT, sabi ko sa sarili ko.

Natatawa ako sa sarili ko. Nang tanungin ako ng receptionist kung ano ang ipapagawa ko, ang confident kong sabihin na "HIV Screening, po." Hindi ko naman ipinagsigawan sa mga nandoon, pero hindi ko din naman ikinahiya.

So ayun, kinunan ako ng dugo, na muntik ko na yatang ikinahimatay dahil afraid talaga ako sa needle. Buti na lang pogi yung nurse na nag-extract sa akin ng dugo at magaling siya ha. I think ang pangalan niya ay Kevin.

Honglondekosorry.

The next day ko pa malalaman ang result dahil late afternoon na ako dumating. Closed na ang lab. Waiting game ang drama, ganyan. Amazingly, mahimbing ang tulog ko kagabi. I wasn't thinking too much about it actually. Siguro it's because I felt relieved na FINALLY nagpa-screen na rin ako.

And today, I found out na nega ako.



Ang nega ko talaga!

Thanks @ohlalao for the chika. It really helped me a lot. Kailangan lang talaga siguro mapag-usapan muna nang seryoso bago magpa-screen ng HIV para lang mapanatag ang loob.

Thank you.... judges.... (*wave ng hand sa crowd....)

3 comments: